P6.4-M GASTOS NG LUNG CENTER KINUWESTIYON

lungs21

(NI FRANCIS SORIANO)

TUMATAGINTING na P6.4 million  ang kinuwestyon ngayon ng Commission on Audit (COA) dahil sa maanomalya umanong pagbili ng Lung Center of the Philippines (LCP) ng  “industrial at medical gasses” noong nakaraan taon.

Ayon sa COA report, bigo umano ang pamunuan ng LCP na magsagawa ng public bidding, invitation to bid na dapat i-publish sa mga diyaryo. Wala din abstract of bids na nagpapakita sa price offers ng ibang suppliers, hindi rin ni-require ng performance security bond ang nanalong bidder at walang kontratang nilagdaan ang contractor na ginawaran ng bayad.

Dahil dito ay nilabag ng LCP ang government procurement rules at COA Circular No. 76-41.

Dagdag pa ng COA report na tinipid ng LPC ang pagbili sa mahahalagang gamit tulad ng liquid oxygen na siyang pinaka-kailangan ng mga pasyente.

“Life-saving oxygen supply is of critical importance to a hospital; hence, there is a need to ensure that the hospital has the right system supported by an experienced and reliable supplier,” ayon pa sa ulat.

Dahil dito ay pinayuhan ng COA ang LCP na kailangan sumunod sa government procurement rules at COA Circular No. 76-41 sa susunod nitong purchase of industrial and medical gas supply.

Samantala, nagpaliwanag ang Lung Center at inaming hindi natutukan ang pagbili sa mga gamit dahil sa dami ng mga proyekto na kanila umanong hawak noong panahon na binili ang mga ito.

Nangako rin ang LPC na gagawing prayoridad sa susunod ang pagtutok sa mga public bidding ng tanggapan.

 

156

Related posts

Leave a Comment