PCG NAKAHANDA SA INAASAHANG MASS EXODUS SA SEMANA SANTA

HANDA na ang Philippine Coast Guard para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

Ayon sa PCG, mula Marso 28 hanggang Abril 5, 2026 ay magde-deploy sila ng humigit-kumulang 17,000 personnel upang umalalay sa mga pasaherong uuwi sa kanilang mga lalawigan.

Ipinag-utos ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L. Gavan ang paghihigpit sa pre-departure inspections sa mga pantalan upang maiwasan ang overloading ng mga barko.

Sinabi naman ni Commodore Noemie Cayabyab, tagapagsalita ng PCG, na posibleng umabot sa halos tatlong milyong pasahero ang dadagsa sa mga pantalan kung magiging maayos ang panahon.

Katumbas ito ng bilang ng mga biyaherong naitala noong Semana Santa 2025.

Dagdag pa niya, maaga nang itinaas ang alert level ng PCG upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa panahon ng Kuwaresma.

(JESSE RUIZ)

107

Related posts

Leave a Comment