DAVAO COLUMNIST SA MISTAKEN IDENTITY MAGKAKASO VS PULIS

valle12

MATAPOS mapalaya sa palpak na pagkakaaresto, nagbabalak ang kampo ni Davao-based columnist Margarita Valle na magsampa ng criminal at administrative charges laban sa mga pulis na umareso sa kanya sa airport ng Misamis Oriental.

Sa ginanap na forum sa Quezon City, Miyerkoles ng umaga, sinabi ni Atty. Kathy Panguban na bilang isa sa mga kumakatawan kay Valle, tinitingnan na umano nila ang posibilidad ng pagsasampa ng kaso ng 61-anyos na si Valle laban sa mga umarestong miyembro ng PNP-CIDG.

Si Valle ay inaresto noong Linggo ng mga miyembro ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Laguindingan Airport dahil umano sa mga kasong multiple murder with quadruple frustrated murder and damage to government property na inisyu ng Misamis Occidental Regional Trial Court noong December 2011.

Isang warrant pa umano ang kinakaharap ni Valle dahil sa kasong arson na inilabas ng korte ng Pagadian City noong September 2006. Gayunman, matapos ang ilan pang pagsasaliksik, nabatid na napagkamalan lamang si Valle ng mga umarestong pulis.

Napagkamalan si Valle na isang Elsa Renton, na gumagamit din ng mga alyas na Tina Maglaya at Fidelina Margarita Valle.

Humingi na ng paumanhin sa abala at eskandalo si Police Colonel Tom Tuzon, CIDG Regional Field Unit 9 chief, dahil sa palpak na pag-aresto.

Sa kanyang panig, nangako si PNP chief Police General Oscar Albayalde na tutulong kay Valle sakaling magdesisyon itong magsampa ng kaso.

 

182

Related posts

Leave a Comment