TRILLANES SABLAY SA KAPA ISSUE

FOR THE FLAG

Sa desperasyon ni Sen. Sonny Trillanes na maka-score laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na mukhang naging life mission na niya, lalo na lamang bumabalaho ang kanyang mga tirada.

Ngayon naman ay ukol sa KAPA Community Ministry International, isang organisasyon na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang isang religious organization, ngunit kamakailan ay napaulat na malalim ang involvement sa umano’y Ponzi scheme o pyramid scam.

Pinagbibigay umano ang mga miyembro ng grupo na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario ng salapi bilang donasyon na nilagyan ng karampatang 30% na tubo. Nag-utos na ang pangulo na ipa-shutdown ang ilegal na operasyon ng KAPA at naka-freeze na rin ang i¬lang mga bank account at asset nito.

Maraming napaulat na hindi na nakakakuha ng tubo ng kanilang “donas¬yon” mula sa KAPA. Dito nagkaroon ng ugong hanggang dumagundong na mukhang isang scam ang KAPA at hindi pa malaman kung ilang bilyong piso na ang nakokopo nito mula sa mga miyembro nito na malamang sa malamang ay hindi na maibabalik pa sa mga miyembro nito.

Sa Ponzi scheme ay kawawa ang mga huling mga naging miyembro, samantalang nagsipag¬yaman na ang mga nauna nang mga miyembro nito.

Marami na ang nabiktima ng ganitong uri ng scam ngunit nanatiling attractive ang pangako nitong “get rich quick scheme.” Inagapan naman ng pamahalaan bago pa lalong dumami ang mabiktima nga nito na mga naniniwala sa KAPA.

Ito naman ang sinakyan ni Sen. Trillanes na nanawagan sa mga miyembro ng KAPA na i-impeach ang pangulo. Sa text naman sa inyong lingkod ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Manny Luna sinabi niyang may nilabag na naman na batas ang senador.

“Trillanes is at it again, that is, he is sowing the seed of hate and contempt calculated to cause the people to rise or rebel against the duly constituted authorities,” pahayag ni Commissioner Luna.

“His suggestion to KAPA members to rap the President, and to defy the latter for shutting down the operations of KAPA and to arrest its leaders for their continuing investment scam, clearly constitutes the crime of inciting to sedition under Article 142 of the Revised Penal Code,” pahayag niya.

“Such action by Trillanes should be condemned and warrant an investigation,” dagdag ni Commissioner Luna. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

318

Related posts

Leave a Comment