PAGTUGON SA MASIKIP NA PALIPARAN

SA GANANG AKIN

(Sa Ganang Akin /  Joe Zaldarriaga)

Sorpresang bumisita si Pangulong Duterte sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong isang linggo kasunod ng mga reklamo ng pagkaantala sa iskedyul ng ilang flights bunsod ng suspensyon ng ground operation ng lahat ng NAIA terminal. Ang pagkaantalang ito na tumagal ng 2.5 oras ay bunsod ng ini-syung lightning red alert ng paliparan. Nasaksihan mismo ng pangulo ang tindi ng epekto nito sa mga pasahero sa terminal. Kaya, ipinag-utos niya ang paghanap ng solusyon sa suliranin ng kasikipan ng terminal.

Napakalaking abala at epekto sa iskedyul ng flight lalo na para sa mga mayroong connecting flights. Paano kung walang ekstrang budget ang pasahero para sa pag-book ng panibagong flight o para sa paghanap ng matutuluyan kung aabot ng isang buong araw ang epekto?

Naging epektibo ang mga programa ng Department of Tourism (DOT) na hikayatin ang mga turista sa ating bansa. Sa datos, higit sa 2.2 milyong turista ang bumisita sa bansa sa unang tatlong buwan ng 2019. Ito ay mas mataas ng 7.5% kung ikukumpara sa unang tatlong buwan ng nakaraang taon na nagtala ng 2.049 milyong tu-rista. Tinatayang aabot sa 8 milyon ang kabuuang bilang ng turistang bibisita sa ating bansa sa pagtatapos ng 2019 ayon sa nakasaad sa National Tourism Development Plan 2016-2022.

Naalala ko tuloy ang planong isinumite ng samahan ng malalaking korporasyon noong 2018 para sa rehabilitasy-on ng apat na NAIA terminal. Ano na ang nangyari? Sa aking pagkakaalala, nais ng samahan na palakihin ang terminals at magsagawa ng mga panibagong daan upang mas mapaluwag ang daloy ng trapiko sa mga paliparan. Layunin ng planong ito na dagdagan ng 47 milyon ang kapasidad ng paliparan sa loob ng dalawang taon at 65 milyon naman sa apat na taon.

Sa palagay ko, kailangan munang malampasan ng samahan ang burukrasyang pagdadaanan nito bago maisakatu-paran ang plano nito. Sa pansamantala, bunsod sa pakikialam ng pangulo sa problemang ito ay may pag-asa na mapaluwag ang apat na NAIA terminal.

Tinitingnan ng administrasyong Duterte ang opsyon na ilipat ang ilang mga biyahe sa Sangley Air Base sa Cavi-te sa kabila ng mga komento ng mga kritiko nito.

Naimungkahi na ito ni dating Senator Mar Roxas pitong taon na ang nakararaan ngunit hindi ito natuloy. Nga-yon determinado si Pangulong Duterte na solusyonan ang problemang ito.

193

Related posts

Leave a Comment