(NI JEDI PIA REYES)
KINANSELA na ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang accreditation ng WellMed Dialysis Center matapos masangkot sa umano’y ghost claims ng mga pasyenteng isinasalang sa dialysis treatment.
Kinumpirma ito ni Rey Balena, tagapagsalita ng Philhealth, at inaabisuhan na aniya ang lahat ng pasyente ng WellMed na lumipat na lang sa ibang accredited dialysis facilities para patuloy na makakuha ng PhilHealth benefits.
“PhilHealth withdraws WellMed Dialysis Center’s accreditation today, June 18, 2019 in view of fraudulent claims filed on behalf of deceased patients,” batay sa pahayag ng Philhealth.
“Wellmed patients are advised to transfer to other accredited dialysis facilities to ensure continuous availment of PhilHealth benefits,” dagdag pa nito.
Nauna nang isinawalat ng dalawang dating mga empleyado ng WellMed na na pinipeke umano ng kanilang dialysis center ang mga dokumento upang makapaghain ng claim sa Philhealth kahit patay na ang pasyente na sumasailalim sa dialysis treatment.
Inaresto ngunit pansamantalang nakalaya rin ang isa sa mga may-ari ng WellMed na si Bryan Sy dahil sa mapanlokong istratehiya ng kumpanya.
149