KASO NG CARNAPPING BUMABA NG HIGIT 50%– PNP

pnp carnapping12

(NI JG TUMBADO)

NASA 56.8 percent ang ibinaba ng bilang ng  carnapping incident sa bansa nitong buwan ng Mayo.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), nakapagtala sila ng 19 na carnapping incident hanggang sa Mayo ngayong taon.

Mas mababa ito kumpara sa 44 na kaso sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Walang naitalang kaso sa bahagi ng Police Regional Office 1, 2, 4A, 5, 6, 8, 9, 11, 13 at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Binati naman ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ang PNP Highway Patrol Group, sa pangunguna ni Brig. Gen Roberto Fajardo, para sa pagbaba ng kaso ng pagnanakaw ng kotse.

Sinabi ng PNP na nag-ugat ang pagbaba nito sa tulong ng crackdown ng HPG laban sa mga carnapping syndicate sa buong bansa.

136

Related posts

Leave a Comment