DU30 SA REBELDE: KAYA KONG IBIGAY ANG HINIHINGI NYO

duterte-30

(NI BETH JULIAN)

SA makailang beses nang pagkakataon, muling nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang makipag usap sa rebeldeng grupo.

Sa talumpati ng Pangulo sa 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp General Vicente Lucban, Catbalogan, Samar, sinabi nito na walang problema sa kanya ang makipag-usap kung kaya na itong pangatawanan ng mga rebeldeng grupo.

Ayon sa Pangulo, kailangan lamang ay magbaba ng mga armas ang mga rebelde at bumalik sa negotiating table.

Dito ay ipinangako ng Pangulo na kaya niyang ibigay sa mga rebeldeng grupo ang 1/3 ng kanilang mga demands o hinihingi.

Sinabi ng Pangulo na kahit ang pera ng bayan ay maaari niyang hatiin para makatikim nang maayos na pamumuhay ang mga rebeldeng komunista.

Aminado pa ang Pangulo na masakit para sa kanya na gamitin ang pera para ipambili lamang ng baril at bala dahil kapwa Filipino rin ang napapatay sa mga operasyon.

Matatandaan na Marso 2019 nang i-anunsyo ni Pangulong Duterte ang permanenteng termination nito sa peacetalks sa mga rebeldeng grupo.

 

185

Related posts

Leave a Comment