(NI JOSEPH BONIFACIO)
KAPAPANALO pa lamang sa PBA D-League noong Lunes ay nakatakda nang sumabak sa international training camps ang Ateneo Blue Eagles.
Ito ay bilang paghahanda naman sa Season 82 ng University Athletic Association of the Philippines (UUAP).
Ang Blue Eagles ay lilipad patungong Greece sa susunod na linggo para sa unang destinasyon ng three-country trip sa buong buwan ng Hulyo o eksaktong dalawang buwan bago magsimula ang UAAP season.
“Our goals for the D-League were accomplished and now we’re on to the next stage,” pahayag ni head coach Tab Baldwin matapos ang kanilang 98-66 na panalo kontra CEU sa Game 4 ng D-League.
“That is to go overseas and really buckle down and get tough with the guys now. I think we kind of bit cruising as this point so we have to toughen things up,” dagdag pa niya.
Bagamat malaking karangalan ang manalo sa 20-team D-League tournament, inamin ni Baldwin na hindi iyon sapat para maihanda ang Blue Eagles sa hangaring masungkit ng ikatlong sunod na UAAP title.
“We’re not ready. We’re not even poised. We’re still babies in terms of our system development,” anang batikang American-Kiwi mentor. “We have a long way to go. We’re not ready for the UAAP but we will get there.”
Sa Hulyo 5 ang alis ng Ateneo papuntang Greece. Pagkagaling doon ay tutungo naman ng Singapore at pagkatapos ay sa Perth at Melbourne sa Australia para makumpleto ang kanilang trip.
338