(NI JG TUMBADO)
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang mangyayaring kudeta laban sa administrasyong Duterte.
Ito ang inihayag ni AFP public affairs office chief Colonel Noel Detoyato at sinabing walang dahilan para gawin ito ng militar at ang tanging layunin nila ay pagserbisyuhan ang sambayanan.
Ani Detoyato, propesyonal ang mga sundalo at nakasentro sa kanilang misyon.
Masaya din aniya ang mga sundalo sa modernization program sa AFP na 100 porsyentong suportado ng gobyerno.
Katunayan ayon kay Detoyato napakalaking bagay ng taas-sweldo sa mga sundalo at ibabalik nila ito sa pamamagitan ng paninilbihan sa sambayanan.
Magugunitang sa kanyang pahayag sa anibersaryo ng Air Force ay sinabihan ng pangulo ang mga sundalo na huwag siyang patatalsikin sa pamamagitan ng kudeta.
150