KAPA LEADER ‘DI ISUSUKO NG INDIGENOUS PEOPLE COMMUNITY

kapa22

(NI TJ DELOS REYES)

PATULOY pa ring sinusuportahan at nagkakaloob ng proteksiyon ang Indigenous People o IP Community at hindi umano nila isusuko si  KAPA Community Ministry International Leader Joel Apolinario.

Sinabi ni Federal Tribal Government of the Philippines Governor-General Datu Higyawan Holag-Ayan, pinaalalahanan na niya ang Korte Suprema na sa ilalim ng IPRA law, sila ang may talagang hurisdiksyon kay Apolinario.

Aniya, malinaw na isinasaad sa R.A. 8371 o ‘Indigenous People’s Rights Act of 1997, mayroong sariling ‘customary laws’ ang mga katutubo na iniimplementa mula pa sa panahon ng kanilang mga ninuno.

Hiling nila, ang karapatang ito ay dapat na igalang ng pamahalaan dahil alinsunod sa batas, at ang saklaw ng Korte Suprema ay hanggang pang-administratibong kaso lang habang ang mga  kasong higit pa rito o kasong sibil, ay ang kanilang pederasyon na ang dapat magdesisyon, alinsunod sa IPRA law.

Ngayong lumampas na ang kanilang 72-hour notice sa Korte Suprema na nagpapaalala sa IPRA law at hinihiling na magresume ng operasyon ang KAPA sa loob ng 7-15 days, hindi na aniya sila naghihintay pa ng kasagutan, bagkus ay nanindigang hindi nila isusuko sa anumang paraan ang nasabing KAPA leader.

Ang KAPA ang siyang kauna-unahang church sa bansa na namimigay ng blessings sa kanya mga miymebro kung saan ang donasyon ng isang miyembro ay kanilang ibinabalik mas higit pa sa pera na ipinagkaloob.

Sa kasalukuyan, wala pa rin mga miyembro ng KAPA ang nagtutungo sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magsampa ng reklamo dahil naniniwala sila na pagbibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling makapag-operate.

306

Related posts

Leave a Comment