PIRMA NI DU30 TATAPOS SA ENDO

endo44

(NI NOEL ABUEL)

LAGDA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para tuluyang matapos ang illegal labor contractualization o ang Endo.

Umapela si Senador Joel Villanueva sa Pangulo kasunod ng marami nang sektor ang nagpahayag ng suporta sa Security of Tenure bill na nasa Malacanang na para tuluyang malagdaan.

“The latest vote of confidence on the Security of Tenure bill boosts our hope that ending the evils of endo is within our reach. Malapit na po natin maabot ang pangarap na wakasan na ang endo sa lipunan,” ani Villanueva.

“With a stroke of his pen, the President can fulfill one of his hallmark campaign promises of getting rid of this terrible practice of endo,” sabi pa ng senador.

“We hope and pray that the President relegates endo to the annals of history by signing the Security of Tenure bill into law,” dagdag pa nito.

Mismong si Department of Trade and Industry Sec. Ramon  Lopez ang naniniwala na makatutulong nang malaki ang panukalang batas para mapalawig ang operasyon ng mga kompanya sa bansa.

Aniya, si Lopez na ang  pinakahuling Cabinet member na nagpahayag ng suporta sa Security of Tenure measure, na mas kilalang End Endo bill.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na naniniwala itong lalagdaan ng Pangulo ang panukalang batas bago ang state-of-nation-address (SONA) sa Hulyo 22.

154

Related posts

Leave a Comment