ML EXTENSION SA MINDANAO WALANG EPEKTO SA INFRA PROJECTS

martial law-2

NANINIWALA si Davao Del Norte Rep. Tonyboy Floirendo na hindi na maaantala ang konstruksyon ng infrastructure projects sa Mindanao sa ilalim ng Build, Build, Build (BBB) program kahit na pinalawig pa ng isang taon ang martial law sa nasabing isla.

Aminado si Floirendo na malaki ang tulong  ng pagsasailalim ng  Mindanao sa martial law dahil mapapanatili nito ang kaayusan at katahimikan sa isla.

Sisimulan na ang mga proyekto sa Mindanao sa susunod na taon tulad ng tulay, kalsada, pantalan, train system at ang rehabilitasyon ng Marawi City.

Kamakailan, nagpasya ang Kongreso na pahabain pa ang martial law ng isang taon dahil ayon sa administrasyong Duterte kailangang manatili pa ang martial upang harapin ang terorismong inihahasik ng mga armadong pangkat.

435

Related posts

Leave a Comment