KOREANO NANGUNANG TURISTA SA BANSA

sadara44

(NI DAHLIA S. ANIN)

AABOT na sa 3.4 milyon ang mga turistang bumisita sa bansa sa unang limang buwan ng taon ayon sa Department of Tourism (DOT).

Mas mataas ito ng 9.76% noong nakaraang taon, sa parehong panahon.

“The numbers are very encouraging from 3,178,984 tourists recorded  from January to May 2018, we are already close to reaching the 3.5 million mark this year. This only shows that the preservation of our environment can go hand in hand with economic gains,” ayon sa isang statement ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

Nangunguna sa mga bisita ng bansa ang mga Koreans na nasa 788, 530 ang bilang mula noong Enero hanggang Mayo.

Pumapangalawa naman ang mga Chinese na sinundan ng mga taga U.S. at Japan.

Kasama rin sa top 10 na may pinakamaraming bilang ng turistang bumisita dito sa bansa ay ang Taiwan, Australia, Canada, United Kingdom, Singapore at Malaysia.

Naitala ang pinakamaraming bilang ng turistang bumisita sa bansa noong 2018, ayon sa

DOT.

Umabot sa 7.1 million foreign tourist ang dumagsa sa bansa sa kabila ng anim na buwang pagsasara ng pamosong Boracay Island.

153

Related posts

Leave a Comment