RESOLUSYON  NG ICELAND SA EJK IBINASURA NG DFA

dfalocsin12

(NI ROSE PULGAR)

IBINASURA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang resolusyon ng Iceland  para magsagawa ng imbestigasyon ang United Nation Human Rights Council (UNHRC) sa umano’y nagaganap na  extra judicial killing (EJK)  sa ilalim ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, ni-reject ng Pilipinas ang resolusyon na naging partisan  at one  sided lamang.

Sa isang resolusyong inihain ng Iceland, 18 bansa ang pumabor, 14 ang kontra kabilang ang China at 15 and abstain kasama ang Japan.

Sinabi kahapon ni Locsin, ito aniya ang unang pagkakataong hiniling sa UNHRC, na maglunsad ng imbestigasyon sa umano’y  EJK sa bansa.

Ikinatuwa naman ng ibang grupo ang desisyon nito tulad ng National Union of People’s Lawyer, KARAPATAN at Amnesty International kung saan ang desisyon ng UNHRC ay maituturing na isang tagumpay sa paghahanap ng katarungan para sa mga napatay na may kaugnayan sa kampanya ng Duterte administration kontra droga.

 

139

Related posts

Leave a Comment