EMPLOYERS, CHAMBER OF COMMERCE KINASTIGO VS ENDO BILL

endo44

(NI BERNARD TAGUINOD)

KINASTIGO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga employers at mga chamber of commerce sa kanilang pagkilos na ipa-veto kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure Bill o anti-endo bill.

Hindi nagustuhan ni TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza, ang panawagan ng mga employers kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang nasabing panukala kaya umapela ito sa Pangulo  na lagdaan pa rin ito.

Aminado ang mambabatas na hindi perfect ang nasabing panukala subalit makakatulong na aniya ito upang masimulan ang pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon sa bansa.

“We prefer the proposed Security of Tenure law be signed by the President rather than remain silent while the employers and economic managers, not satisfied in stamping out the intent of the bill, cannot even give a few morsels to the workers. Truly reprehensible,” ani Mendoza.

Inihahanda na umano ang panukala na amyendahan ito kapag pinirmahan na ni Duterte upang masiguro na lahat ng mga empleyado sa private sector ay maging regular na.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ipagbabawal ang labor-only contracting (LOC) na kasalukuyang ginagawa ng mga employers sa bansa  at kapag naging batas ito ay pakikinabangan ng 9 million contractual employees.

Sinuman ang lalabag sa LOC ay pagmumultahin ng hanggang P5 Million at ipapasara ang ahensya o contractor business ng mga ito.

 

 

321

Related posts

Leave a Comment