PROV’L BUS BAWAL NA SA EDSA SA AUG. 1

partas44

(NI ROSE PULGAR)

SA Agosto 1 ay tuluyan nang ipagbabawal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagpasok ng mga provincial buses sa kahabaan ng EDSA.

Babawiin na ang lahat ng Certificate of Public Conveyance na magmumula sa Norte at Timog Luzon na may mga terminal sa kahabaan ng EDSA.

Kasama rin sa Memorandum ang pag-amiyenda ng mga ruta ng mga city buses.

Magugunitang, nauna nang ipinagbawal ng MMDA ang pagbaba ng mga pasahero sa EDSA, ngayon ay bawal na silang dumaan sa nasabing ruta.

Ayon kay MMDA CZAR Bong Nebrija , ang memorandum na ito ay matagal na nilang inaasahan.

Mismong ang Metro Manila Council ang siyang nagsulong nito para makatulong na maibsan ang bigat ng traffic sa EDSA.

Gayunman, nilinaw naman ng MMDA na hindi kailangang mag-alala ang publiko dahil magkakaroon ng mga aternatibong mga terminal.

Halimbawa rito na ang mga magpupunta ng Baguio ay hindi na maaaring sumakay sa Cubao kundi  sa Valenzuela gateway complex sa pamamagitan ng mga city bus patungo doon.

Nabatid na tuluyan nang aalisin sa kahabaan ng EDSA ang mga provincial bus terminal na isa sa dahilan ng pagsisikip na daloy ng trapiko sa EDSA.

173

Related posts

Leave a Comment