Dapat sigurong i-seminar o palitan ang mga empleyado ng Philippine Statistics Authority (PSA) na dating census upang maging angkop sila sa kanilang mga trabaho.
Makasisira ang mga ito sa kampanya at panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mada-liin at huwag patagalin ang serbisyong ibinibigay sa publiko.
Kamakailan ay nagsagawa ang Misyon Aksyon upang patunayan kung totoo na nabigyan na ng aksyon ang mga reklamo ng publiko sa PSA sa kanilang sistema na matagal na pagpoproseso ng mga dokumento.
Ito po ang mga nangyari.
Nagsadya po ang Misyon Aksyon sa tanggapan ng hepe ng PSA na si Thelma Kahanding upang kumuha ng birth certificate (BC) ng isang kaibigan. Makaraan ang isang oras nakuha agad.
Nang mabasa ng may-ari ng birth certificate ay may kulang at isang annotation lamang ang inilagay sa kaniyang pinabagong pangalan at apelyido samantalang July 17, 2018 ang nasa record sheet CFN 0017-2017 na nagsasaad na ang maling spelling ng pangalan ay September 7, 2018 ang Certificate of Finality.
Kaya?bumalik?ako noong January 2, 2019 upang?kumuha?ng kopya kung ito ay naitama na ang nasabing pagkakamali ngunit ang sabi ay natabunan ang file nito kaya walang nangyari.
July 11, 2019 kumuha ng kopya upang makita ang resulta ng correction sa nasabing doku-mento ngunit walang pa ring nabago.
Payo ng isang Ronald ng PSA, magsumite muli ng dokumento na agad namang pinadala at nai-file noong July 18, 2019. Pinabalik ang Misyon Aksyon noong July 22, 2019 upang kunin ang dokumento noong tanghaling ‘yon ngunit wala pa rin ang papeles hanggang mag-alas-3:00 ng hapon.
Sinadya ko muli ang tanggapan ni Madam Thelma Kahanding upang ireklamo ang napakabagal na serbisyo ngunit wala ito, kaya pinapunta ako kay Mary Anne Reyes sa 7th floor at muling pinagpasa-pasahan ang Misyon Aksyon at bandang alas-4:30 ng hapon natapos ang transaksyon.
Tinatawagan si Anti-Red Tape Authority Dir. Gen. Jeremiah Beljica, sir, pakiuna po nin-yong imbestigahan at sibakin ang mga empleyado ng PSA dahil makukupad ang mga ito.
Sa susunod ay tatalakayin natin ang TESDA sa kawalan ng aksyon sa mga pekeng dokumen-to.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG?homeow-ners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 /09755770656 Email ad-dress:?Misyonaksyon@yahoo.com/arnel_petil@yahoo.com/arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / ARNEL PETIL)
164