LIBRENG MEDICAL INSURANCE SA ROTC ISUSULONG

imee66

(NI NOEL ABUEL)

KUMPIYANSA  si Senador Imee Marcos na maraming estudyante ang makukumbinsing pumasok sa Reserve Officer Training Course (ROTC) dahil sa maraming benepisyo na nakapaloob dito.

Sinabi ng senador na nakahihikayat sa mga college student ang kanyang panukala na pumasok sa ROTC dahil sa unang pagkakataon, mabibigyan ang mga ito ng libreng medical insurance at iba pang benepisyo.

Habang ang mga magiging ROTC officers ay makatatanggap ng cash stipend.

Ang mahalaga anya, makakukuha ng interes sa mga college student ang ROTC tulad ng pag-recruit sa Amerika.

Paglilinaw pa ni Senador Marcos sa isinusulong nitong magkaroon pa ng isang opsiyon ang mga college student kung gusto nilang kunin ang citizen service training.

Tugon ito ng senadora sa maling interpretasyon ng ilang opisyal ng gobyerno na nag-akalang kontra siya sa ROTC.

Paliwanag ni Senador Marcos, kontra ito na pakunin ng ROTC ang mga nasa Grade 11 at Grade 12 dahil mga bata pa ang mga ito at wala pang 18 years old.

Bilang pagtalima anya ito sa United Nations resolution na nagbibigay proteksyon sa mga karapatang pambata.

233

Related posts

Leave a Comment