TUBIG SA ANGAT PATULOY SA PAGTAAS

angatdam77

(NI DAHLIA S. ANIN)

MULING tumaas ang antas ng tubig sa Angat ngayong Martes.

Mula sa 162.40 meters noong Linggo umakyat ito sa 163.34 meters ayon sa monitoring ng Pagasa.

Patuloy din sa pagtaas ang lebel ng iba pang dam sa Luzon.

Tumaas sa 74.10 meters ang antas ng tubig sa La Mesa dam mula sa 73.98. Maging ang Ipo dam ay tumaas din sa 100.93 mula sa 100.66 meters.

Ang tubig sa Ambuklao dam ay tumaas din sa 745.73 mula sa 745.14. Gayundin ang Binga dam mula sa 571.61 tumaas ito sa 572.32 meters.

Ang Magat dam ay tumaas din sa 184.85 mula sa 184.28 at ang Caliraya dam na mula sa 286.36 ay umangat sa 287.53.

Ang Pantabangan dam na naiulat na bumaba noong Linggo ay tumaas na ngayon sa 189.34 mula sa 189.22.

Samantalang ang San Roque dam ay bumaba pa rin sa 231.42 mula sa 231.43.

Patuloy naman ang pag-ulan sa Luzon dala ng Hanging Habagat na mas palalakasin pa ng isang Low Pressure Area na namataan sa Kanlurang bahagi ng Dagupan City sa Pangasinan.

123

Related posts

Leave a Comment