TRAPIK DULOT NG MRT-7 PROJECT IKINAPIKON SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

IKINABANAS na  sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tumitinding problema sa trapiko sa Commonwealth Avenue, Quezon City dahil sa MRT-7 project na  na-delay na umano.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, matinding perhuwisyo sa mga motorista ang idudulot na trapiko sa Commonwealth dahil sa nakapahabang u-turn slot.

“Nakaaawa naman ang publiko dahil ang layo-layo ng minamaneho nila para lang mag U-Turn,” ani Castelo at ang masakit pa umano dito ay naging dahilan ito ng pagsikip ng trapiko.

Dahil dito, pinagpapaliwanag ng lady solon ang EEI Corporation, isa sa mga kontraktor ng MRT-7  kung bakit nade-delay ang paggawa sa nasabing proyekto gayung dapat natapos ngayong buwan, Hulyo 2019.

“I am urging EEI to expedite this project and explain what has cause the delay, kasi medyo delayed na po itong proyektong ito at nagdudulot na ito ng inconvenience sa ating mga kababayan because traffic builds up in a daily basis and the commuters are suffering,” ayon pa sa lady solon.

Umapela rin ito sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na dagdagan  ang kanilang puwersa sa Commonwealth avenue dahil nakaaawa na aniya, hindi lamang ang mga motorista kundi ang mga commuters dahil sa perhuwisyong idudulot ng trapiko dahil sa nasabing proyekto.

Lalong lumalala ang trapiko sa Commonwealth sa rush hour kaya marami umano ang napipilitang umalis sa kanilang bahay ng maagang-maaga upang hindi mahuli ang mga ito sa kanilang trabaho.

Nanghihinayang ang lady solon sa oras na nawawala sa mga magulang dahil sa trapiko gayong dapat inilalaan nila ito sa kanilang mahal sa buhay lalo na sa kanilang mga anak.

 

215

Related posts

Leave a Comment