SEGURIDAD SA ‘PHILHEALTH SCAM PROBE’ PINAHIHIGPITAN 

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINILING ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) na bigyan ng seguridad ang mga mag-iimbestiga sa Philhealth scam dahil masyadong mapanganib umano ang sindikato sa insurance fund na ito.

Sa press conference nitong Miyerkoles, sinabi ni Magsasaka party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat na minsan nang nanganib ang kanyang buhay dahil aniya sa katiwalian sa Philhealth.

Si Cabatbat ay inambus sa Edsa noong Pebrero 2017 subalit nakaligtas nang sagasaan nito ang suspek na isang awol (absent without official leave) na pulis.

Nangyari umano ang ambush matapos ipakansela nito ang lisensya ng isang doktor na nagngangalang Mark Dennis Menguita na in-expose umano ni Senate President Vicente Tito Sotto III na sangkot sa Philhealth scam.

“Give security to the investigators who are going after Philhealth scam because they are going after dangerous people who are capable of doing assassinations or someone killed,” ani Cabatbat.

Kahit umano si Iloilo Rep. Janette Garin ay nakatanggap umano ng death threat noong siya pa ang kalihim ng Department of Health (DOH) na dahil sa ginawang paglilinis aniya sa Philhealth.

Kinumpirma naman ito ni Garin na nagsabing masyado nang malala ang katiwalian sa Philhealth kung saan kahit matino umano ang mga empleyado na papasok sa ahensya ay kinokorap ng sindikato.

“Parang lamok (ang sindikato) na nagkakalat ng virus sa Philhealth. Lahat ay kinakagat para mawaha nila,” ani Garin kaya imbes mapabuti ay palala nang palala ang katiwalian dito.

“Ang experience ko diyan sa PhilHealth, naging PhilWealth na… It will not end if we don’t nip it in the bud at patuloy na nagbubulag-bulagan ang secretary of health that chairs the board,” ani Garin.

169

Related posts

Leave a Comment