(NI NOEL ABUEL)
KINUMPIRMA ni Senador Panfilo Lacson na patuloy na dumarating ang ilang ebidensya at impormasyon na magdidiin lalo kay Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng kontrobersya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Lacson, hanggang sa kasalukuyan ay may mga dumarating pa sa tanggapan nito ng mga impormasyon na naglalaman ng malalaking halaga na sangkot sa korapsyon.
“Hanggang ngayon may dumarating pa rin na information. Laging malaking amount ang involved sa corruption, lalo na sa high places,” sabi ni Lacson.
Sinabi nito na sa nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni Senador Richard Gordon ilalabas ang nasabing mga karagdagang impormasyon na naggaling umano sa ilang tauhan ng Philhealth.
Tumanggi umanong magpakilala ang mga ito sa pangambang pag-initan at maapektuhan ang kanilang trabaho.
“Marami. Takot sila, they are thrown under the bus ‘pag nalamang nagkukuwestiyon sila. Agad-agad dine-demote, transferred or minsan tinatanggal. Nag-iyakan ang iba. May iba na may civil service eligibility hindi talaga mai-promote dahil nagkukuwestyon internally,” giit pa ni Lacson.
May ilan din umano na nagpahayag ng kahandaang tumestigo sa pagdinig subalit nagdadalawang-isip.
“As of now walang nagsi-signify pero mukhang may nag-iisip mag-testify. And we’ll get there when we get there,” aniya.
Ipinagkibit-balikat lamang ni Lacson na nananatili pa rin ang tiwala ni Duque ng Malacanang at walang planong imbestigahan ang nasabing usapin.
“That’s actually their call. If they still trust him what can we say about it? Wala. Ako naman kaya pinursue ko ang privilege speech, I was motivated by the speech of PRRD sa SONA. Maliwanag sinabi niya you are free to investigate, I take no offense. In-encourage niya ang Congress to expose para matulungan siya. I need your help sabi niya and maliwanag sinabi niya, the enemy is us. At kaya dapat magtulung-tulong sa pagtuligsa at pakikibaka sa graft and corruption,” paliwanag pa ni Lacson.
180