ROS HIHIRIT NG GAME 5

pba33

(NI JJ TORRES)

LARO NGAYON:

(SMART ARANETA COLISEUM)

7:00 P.M. — RAIN OR SHINE VS SAN MIGUEL

(SMB 2-1)

NAKIKITA ni Beau Belga na advantage para sa Rain or Shine Elasto Painters ang pabayaang umiskor ng maraming puntos ang San Miguel Beermen import na si Chris McCullough sa pagtatangka nilang itabla sa 2-2 ang kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Gutom ang Elasto Painters na ulitin ang kanilang 112-104 na panalo kontra Beermen sa Game 3 na naganap noong Miyerkoles upang itulak ang best-of-five series sa isang do-or-die match.

Tingin ni Belga na mapapaganda ang chances ng ROS kung hahayaan nila si McCullough na magkayod-marino, basta’t malimitahan nila ang mga locals ng SMB.

“Solohin na niya (McCullough) lang ulit sa next game para masaya. Kung umiskor siya ng 60 tapos panalo kami, salamat ulit,” wika ni Belga.

Matatandaang pumutok ng 51 points si McCullough sa 19-of-32 shooting, ngunit di naman ramdam ang production nila Chris Ross, Arwind Santos at June Mar Fajardo.

Pero kailangan din ng Rain or Shine na mapanatili ang mga good start na pinapakita nila sa serye, matapos masayang ang 18-point lead sa second quarter ng Game 3.

Pasalamat na lang si coach Caloy Garcia at napanatili ng Elasto Painters ang kanilang composure sa pamamagitan ng big plays nila Belga, import Carl Montgomery, Gabe Norwood at Rey Nambatac upang maiwasan ang sweep.

“When we led by 18, turnovers became our problem again. That’s the only thing I addressed at halftime. I told them, if you wanna win the game, you have to man up and don’t turn the ball over because San Miguel is so good,” pahayag ni Garcia.

Umaasa si SMB coach Leo Austria na makakabawi ang mga tulad nina Ross, Santos at Fajardo para matulungan si McCullough sa opensa.

Nandyan din sina Terrence Romeo, Alex Cabagnot at Christian Standhardinger para dagdag pwersa sa Beermen.

214

Related posts

Leave a Comment