(Ni BOY ANACTA)
Kasabay ng pangaral, ay inutos na rin ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa 90-newly hired Customs police na tulungan siyang linisin ang ahensya mula sa katiwalian.
Sa kanyang speech sa idinaos na reception ceremony sa bagong Customs police batch AGILA (Alagad ng Gobyerno na Iaalay ang Lahat para sa Aduana) kamakalawa sa Port of Manila, pinaalalahanan niya ang mga ito ukol sa kanilang duties at responsibilities bilang law enforcers at public servants.
Pangaral ng opisyal na bilang law enforcement agents, sila ang magsilbing magandang ehemplo partikular sa pagsugpo ng katiwalian.
Paalala pa ng Customs chief, na gawin ang kanilang mga trabaho na naaayon sa batas at iwasan na masangkot sa katiwalian.
Dahil na rin dito, hiling ng opisyal sa mga bagong pulis na maging katuwang niya sa paglilinis ng ahensiya mula sa katiwalian.
“Lilinisin ko ang Bureau of Customs at inaasahan ko na makakatulong kayo at tutulong kayo sa akin sa paglilinis dito,” pahayag pa ng Customs chief.
Ang mga bagong tanggap na ahente ng BOC, ay sumailalim sa ‘5-day orientation program at 40 days na basic course training’.
157