KULONG, MULTA SA PRANK CALLERS 

prank44

(NI NOEL ABUEL)

NABUBUWISIT na si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa mga prank callers kung kaya’t nais nitong parusahan at pagmultahin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa naturang iligal na gawain.

Giit ni Go, panahon nang seryosohin ng pamahalaan na patawan ng parusa at multa ang mga prank callers partikular sa mga emergency hotlines.

Paliwanag pa ng senador na ang emergency hotlines ay ginagamit upang mapahusay ang pagtugon sa mga emergency situation at hindi dapat abusuhin.

Sa kanyang inihaing Senate Bill 400, o ang “Anti-Prank Callers Act of 2019,” nais nitong makulong ng 1-buwan at multang aabot sa P5,000 sa first offense; 6-buwang kulong at P10,000 multa sa ikalawang paglabag at sa ikatlong paglabag ay 6-taong kulong at multang P20,000.

“A prank call is a mischievous or malicious telephone call made to trick or fool someone with the intention to annoy, abuse, threaten, harass, or solicit any comment, request, suggestion or sound which is obscene, lewd, lascivious, filthy or indecent, or a call intending to make false requests or false alarm of an emergency, knowing the report or information or alarm to be false,” paliwanag sa SB 400.

Idinagdag pa ng neophyte senator na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 56 na nagtatag ng Emergency 911 Hotline bilang nationwide emergency hotline number na magagamit ng taumbayan sa panahon ng during emergency situations.

Subalit noong 2018 aniya ay nakatanggap ang mga dispatchers ng 2,475 tawag sa telepono subalit 75 lamang ang lehitimo habang mahigit sa 1,000 naman ay dropped calls at nasa 300 naman ay  pranked calls.

156

Related posts

Leave a Comment