IBA’T IBANG SARAP NG IBA’T IBANG KLASE NG SUMANG PINOY

SUMAN-1

Sadyang rice lovers ang mga Pinoy.

Lahat ng klase ng kanin ay naihahain natin sa hapag para pagsaluhan, ito man ay parte ng pang-araw-araw na pagkain, sa okasyon o kahit pa bilang mga meryenda o desserts.

Mayroon din tayong tinatawag na arroz caldo o mga lugaw, o kaya naman ay champorado bilang meryenda. Ulam naman ang kilalang tawag natin na arroz valenciana at paella na karaniwang inihahanda tuwing espesyal na okasyon. Lahat iyan ay may pa­ngunahing sangkap na kanin. Pero sino rin bang hindi makakatanggi sa sarap na dala ng suman – na kanin pa rin naman ang sangkap.

Ang nakatutuwa sa suman ay iba’t iba ang klase ng mga ito at depende rin sa lugar kung saan ito mas popular o kung saan ito nagmula.

May mga sumang sinasamahan sa paghahain din ng coco jam o matamis na bao, latik, prutas gaya ng hinog na mangga, tsokolate at pinipig na ilan lamang sa partikular sa ating mga Pinoy.

SUMAN SA NORTE

TupigTupig. Kilala ito sa Ilocos at Pangasinan bilang suman na may sangkap na giniling na malagkit na bigas, kakang gata, at asukal na binalot sa dahon ng saging.

Ordinaryo kung titingnan ang kakanin na ito pero iba ang sarap na hatid dahil sa paraan ng pagkakaluto. Medyo matrabaho ang pagkakaluto dahil iniihaw ito sa nagbabagang uling sa halip na pakuluan o ilaga.

Ang smokey flavor nito ang pinakahinahabul-habol na sarap ng marami.

BinungueyBinunguey. Isang bersyon ito ng suman ng Bolinao, Pangasinan. Tinatawag din itong suman sa kawa­yan. Ang malagkit na kanin, gata ng niyog, at asukal ay pinagsama-sama sa kawayan at pinauusukan din habang niluluto kaya naman iba rin ang lasang taglay nito.

Patupat. Suman ding pagkasarap-sarap na matatagpuan sa Ilocos at Pangasinan. Bagama’t suman, naiiba rin ito sa preparasyon sa pagluluto nito. Sa pagkakabalot nito ay masasabing ibang effort para lang masabayan ang lasa ng laman o ng mismong suman. Ang pambalot sa suman na ginagamit dito ay buri leaves o murang dahon ng niyog saka pauusukan,

Suman pinipig. Popular ito sa Bulacan dahil iba rin ang sangkap na may halong pinipig at nasa loob na rin ang halong latik. Karaniwan din itong hinahaluan ng buko, o kinayod na murang niyog o ‘di kaya’y nilalagyan ng anis para mas malasa at masarap bago ibalot sa dahon ng saging saka iluluto.

SUMAN SA HILAGA

Suman sa LihiyaSUMAN SA LIHIYA. Ito ang sumang karaniwang nakikita sa Batangas na sinasabayan ng paghigop sa mainit na tsokolate o kape. Ang malagkit na kanin na binabad sa gata ng niyog at pinalalambot gamit ang lihiya (lye water) saka binabalot ito sa malambot na dahon ng saging at pinakukuluan. Ang lihiya ay isang uri ng liquid solution na nagmula sa China. Ito ang ginagamit upang maging “gummy in texture” ang mga kakanin tulad ng suman, kutsinta, mooncake, lomi noodles, at pichi-pichi.

Sa suman sa lihiya, ang kadalasang pinapares dito ay coco jam.

Suman MoronSuman Moron. Ito ang uri ng suman sa Leyte na hinahaluan ng rice flour at chocolate paste o kaya tablea, mani, organic sugar o brown sugar at ibabalot din sa dahon ng saging at sunod ay lulutuin. Sa pagbukas ng balot nito matapos na maluto ay makikita rin na maganda ang itsura dahil ito ay may kulay brown dahil sa tsokolate at kulay white dahil sa malagkit na bigas.

Suman sa Ibos (o ibus). Ito ang uri ng suman na kilala at mabibili sa Iloilo, ngunit mayroon din nito sa ibang lugar. Malagkit na bigas din ang halo at gata ng niyog at nakabalot sa buli leaves. Ayon sa mga Ilongo ay mas ma­sarap itong itambal sa hinog at matamis na manggang kalabaw.

1161

Related posts

Leave a Comment