DPWH INURIRAT SA PAGBAGSAK NG TULAY SA ISABELA

HUMINGI ng sagot si Senador Alan Peter Cayetano sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung paano hinahawakan ng ahensya ang mga palpak na kontraktor, proseso ng inspeksyon, at iba pang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

“Hindi lang itong bridge ang pinag-uusapan natin dito. We don’t want faulty generalization here. We have to get to the bottom of this. Yung intention ng bridge na ‘to is to really transform the countryside. Gateway ito, napakagandang project, but now it’s a symbol of our failure as a government,” sabi ni Cayetano nang pangunahan ang motu proprio na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Subcommittee nitong March 14 kaugnay ng biglaang pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela.

Kamakailan, naghain si Cayetano ng Senate Resolution No. 1322 upang pormal na simulan ang imbestigasyon sa insidente.

Bumagsak ang tulay wala pang isang buwan matapos itong buksan noong Pebrero, kung saan anim ang nasugatan at apat na sasakyan ang nadamay. (DANNY BACOLOD)

15

Related posts

Leave a Comment