ALOKASYON NG TUBIG POSIBLENG DAGDAGAN

mwss55

(NI DAHLIA S. ANIN)

POSIBLE na umanong dagdagan ang alokasyon ng tubig sa Maynilad at Manila Water, ayon sa National Water Resources Board (NWRB) dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Angat dam.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, posibleng itaas sa 38 hanggang 40 cubic meter per second (cms) ang alokasyon ng tubig para sa mga water concessionaire na sa ngayon ay hindi pa pwedeng ibalik sa normal na 46 cms.

Nasa 99 porsyento na ang naibalik na suplay sa mga kustomer ng Manila Water habang 94 porsyento naman ang sa Maynilad dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Suportado naman ng bagong Administrator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Emmanuel Salamat ang paraan na tipirin muna ang tubig sa Angat dam habang hindi pa ito nakakabawi nang tuluyan.

Isa umano sa mga utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay MWSS Administrator Salamat na tiyaking hindi na mauulit muli ang krisis sa tubig sa susunod na taon.

May mga estratihiya na umano si Salamat upang maging sapat ang suplay ng tubig sa darating na tag-init.

“We will strategize measures to prevent such occurrences,” ani Salamat.

Inaasikaso na umano ngayon ni Salamat ang pagrepaso sa concession agreement o kasunduan ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water.

Nais din ni Salamat maragdagan ang pinagkukunan ng tubig upang hindi lang sa Angat dam umaasa ang mga taga-Metro Manila.

 

148

Related posts

Leave a Comment