(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY EDD CASTRO, KIER CRUZ)
DAHIL sa masamang panahon at bunsod ng tropical storm ng Ineng nakaranas ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng lasangan sa Metro Manila.
Bases sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, ilang sa mga Bayan Patrollers ang tumulong na nagbigay ng impormasyon kung saan ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar.
Ayon sa MMDA , nagmistulang ilog ang bahagi ng Bayani Road at Cuasay sa Central Signal Village, Taguig City, dakong alas-8:00 ng umaga.
Maging sa bahagi ng PNR Buendia (Gil Puyat) Station sa Dela Rosa Street corner Gil Puyat Avenue, Makati City, ay tumaas din ang tubig baha dulot ng malakas na ulan ang naranasan.
Bandang alas-9:00 ng umaga nakaranas ng pagbaha sa lugar ng Dian St., Barangay Palanan, sa lungsod ng Makati.
Matinding rin ang pagbaha sa may Taft Avenue sa Maynila na gutter-deep din ang baha.
Dahil sa pagbaha sa parte ng Magallanes, Makati, nagsuspinde na rin ng operasyon ang Philippine National Railways
Ipinahinto ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang mga byahe dahil sa malakas na buhos ng ulan na nagresulta sa ilang mga pagbaha.
Sa kanilang advisory, sinabi ni PNR spokesperson at operations manager Joseline Geronimo na umabot sa 24 inches ang baha sa ilang mga lugar sa Maynila at Makati City.
Sinabi ni Geronimo, kapag ipinagpatunoy ang biyahe ng mga tren ito ay delikado kaya’t nagdesisyon silang ihinto pansamantala ang kanilang operasyon simula alas-7:00 ng umaga
Aniya sa oras na huminto ang malakas na ulan at ambon na lamang ay kanila ipagpapatuloy ang biyahe ng kanilang mga tren.
Ayon pa sa MMDA, binaha rin ang ilang mga pangunahing lansangan sa Chino Roces Avenue (19 inches, not passable), EDSA Roxas Boulevard flyover papuntang Baclaran Church, Tramo malapit sa Circulo del Mundo eastbound sa Pasay City at Taft Avenue corner. UN Ave. sa Maynila. Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na mag-ingat sa paglusong sa mga baha.
Samantala inianunsyo ng MMDA na suspendido ang number coding scheme sa Lunes, Agosto 26.
Ayon kay MMDA chairman Danny Lim, ang suspensyon ay bilang pakikiisa sa paggunita ng National Heroes’ Day.
Pinayuhan ng ahensya ang publiko na planuhin ang lakad at mag-ingat sa biyahe.
262