UTOS NG WBO: CASIMERO-TETE SHOWDOWN

casimero44

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

INIUTOS ng World Boxing Organization (WBO) ang showdown sa pagitan nina Filipino interim champion Johnriel Casimero at regular champion Zolani Tete ng South Africa sa loob ng 90-araw.

Ito’y matapos patulugin ni Casimero nitong Sabado ng gabi ang Mexican challenger na si Cesar Ramirez sa 10th round ng kanilang bakbakan sa San Andres Sports Complex sa Maynila.

“The WBO ordered John Riel Casimero and Zolani Tete to fight within 90 days .. On Monday Senator Manny Pacquiao and his MPP will make a significant offer along without partner PBC To do the fight in the United States ???? in November of this year. Senator Pacquiao is committed to creating the best scenarios for his MPP fighters to have a level playing field to win!” bahagi ng mensahe ni Sean Gibbons, MP Promotions CEO at international matchmaker.

Mismong si Pacquiao ang sumaksi sa panalo ni Casimero at nasiyahan sa ipinakita at dahil may mga kinatawan ng WBO sa laban, kaya’t agad na nag-utos na maitakda ang laban ng Pinoy boxer kay Tete.

Dalawang beses pinabagsak ng 30-anyos na si Casimero si Ramirez bago tinapos sa pamamagitan ng right hook ang Mehikano sa 2:23 ng nasabing round.

“Nakakita ako ng tiyempo, kaya dineretso ko na,” sambit ni Casimero matapos ang stoppage.

Una rito, ipinangako ni Casimero na patutulugin niya si Ramirez.

“’Yung lakas (power) ko, yun ang advantage ko sa kanya,” ani Casimero sa media workout kamakalawa.

“Matangkad ung kalaban kaya pasok ang suntok ni Casimero, sabi ko pasukin lang niya,” ani Nonoy Neri, trainer ni Casimero.

 

182

Related posts

Leave a Comment