PATUTSADA NI DE LIMA; PALASYO, ‘DEADMA!’

de lima55

(NI BETH JULIAN)

HINDI na pinatulan ng Malacanang ang patutsada ni Senator Leila de Lima kaugnay sa usapin ng naudlot na pagpapalaya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Presidential Spokesperson  Salvador Panelo, mayroon nang demokrasya sa bansa kaya malayang magsalita si De Lima kung ano ang gusto nitong sabihin.

Una nang inihayag ni De Lima na binabaluktot ng gobyernong Duterte ang batas para mabigyan-katwiran ang isinusulong na pagpapanumbalik sa parusang kamatayan.

“Well, she can always express herself since this is a democratic country, pero hindi totoo ‘yon,” ayon kay Panelo.

Kasabay nito, tikom rin ang bibig at hindi rin kontra ang Malacanang sa posisyon nina Senator Francis Tolentino at Ronald Dela Rosa na nagsabing maaaring gamiting argumento ang kaso ni Sanchez para maisulong ang death penalty.

Katwiran ni Panelo, kung iyon ang paniwala nina Tolentino at Dela Rosa ay walang dahilan para kontrahin niya ang mga ito.

“May nagsasabi na this is the best argument to reimpose the penalty on death, eh o kung iyon ang kanilang paniniwala bakit naman kokontrahin ko? Kanilang paniniwala ‘yan,” pahayag pa ni Panelo.

151

Related posts

Leave a Comment