(NI JEAN MALANUM)
DETERMINADO ang Pinoy tennis players na makapagbibigay ng mga medalya sa 30th SEA Games na nakatakdang gawin sa bansa.
Limang gold medals ang nakataya sa lawn tennis sa men’s singles, women’s singles, men’s doubles, women’s doubles at mixed doubles events.
Pangungunahan nina 2018 Philippine Columbian Association (PCA) Open singles champions Jeson Patrombon at Marian Capadocia ang kampanya ng Pilipinas sa biennial tournament na gagawin sa bansa sa ika-apat na pagkakataon.
Makakasama ng dalawang players sa.national.team sina Francis Casey Alcantara, Alberto Lim Jr. at Clarice
Patrimonio.
Sina Patrombon at Alcantara ay kasalukuyang naglalaro sa iba’t ibang tournaments sa abroad samantalang ang women’s team.nasa Amsterdam, Netherlands para sa one-month training.
Noong 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nanalo ang Pilipinas ng dalawang silvers at dalawang bronzes.
Ang mga silver medallists ay sina mula Patrimonio (women’s singles) at US-based Ruben Gonzales/Alcantara (men’s doubles), samantalang ang bronze medal winners ay sina US-based Denise Dy/ Fil-German Katrina Lehnert
(women’s doubles) at Gonzales/ Dy (mixed doubles).
Ang tennis ay mapalad na mabigyan ng financial support mula sa global cybersecurity company na Kaspersky.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magbibigay ng financial sponsorship ang Kapersky sa local sports teams. Ang proyekto ay pangungunahan ng iSecure Networks, isa sa mga distributors ng Kapersky sa Pilipinas.
Ayon sa Memorandum of Understanding (MOU) na pinirmahan.ng Philippine Tennis Association (PHILTA) sa iSecure Networks, tatanggap ang PHILTA ng P1.5 million galing sa sales ng Kapersky Internet Security 2019 at Kapersky Anti-Virus 2019 mula Hulyo hanggang Nobyembre.
Ang halaga ay iaabot sa PHILTS sa Disyembre.
Ang pumirma sa. MOU ay sina Kapersky Southeast Asia general manager Yeo Siang Tiong of Singapore, iSecure Networks Chief Finance Officer Anne Manalo at Philta vice president Martin Misa.
“We’re very delighted to support these teams which we believe are powerful contenders in their respective tournaments within the 2019 SEAG. Kapersky has always been an avid benefactor of achievers in the sports arena who exemplify the same values that we’re also dedicated to — passion for elite performance and tenacity to attain success with speed and high level of strategic thinking,” lahad ni Yeo.
Napagkasunduan na ang pera ay gagamitin para sa local at international trainings, upgrade ng mga pasilidad at pagbili ng mga equipment.
237