(NI KIKO CUETO)
PINAG-AARALAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang posibilidad na muling taasan ang sahod ng mga kawani ng gobyerno.
Ayon sa DBM, gagawin ito dahil matatapos na ang Salary Standardization law (SSL) ngayong taon.
Matatandaan na noong 2016, pinirmahan ni dating pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order No. 201, o ang batas na nagtatakda ng four-year salary adjustments sa sahod ng government workers.
“There’s an ongoing study in coordination with Towers Watson and GCG (Government Commission for Government-owned and Controlled Corporations), and we hope that we could get the results by next month,” sabi ni Budget Acting Secretary Wendel Avisado.
Posibleng matapos umano ang nasabing pag-aaral sa susunod na buwan at isusumite nila ito sa mga mambabatas sa Oktubre.
“We also know that there’s an ongoing effort on the part of Congress to legislate this. By October, we will be able to take it up,” dagdag ng kalihim.
Naglaan ang DBM mula sa P4.1-trillion 2020 national budget, ng P31.099 bilyon para sa compensation adjustment na nakasaad sa Miscellaneous and Personnel Benefits Fund.
Ayon sa DBM, may 1,827,164 ang permanent position sa gobyerno ngayong 2019.
Sa naturang bilang, 1,558,066 ang okupado na at 269,098 pa ang bakante.
144