BAGYONG ‘JENNY’ LUMABAS NA NG PHL

ulan55

(NI ABBY MENDOZA)

MATAPOS mag-landfall sa Casiguran, Aurora, Martes ng gabi,  tuluyang humina ang bagyong ‘Jenny’ at nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility(PAR).

Kasabay ng paghina ng bagyo ay agad din inalis ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) ang typhoon warning signals.

Alas 2:00 ng hapon nang tuluyang makalabas ng PAR ang bagyo na tinatahak ang direksyong patungong China at pagdating ng weekend ay inaasahang tatama sa Vietnam.

Bagamat nakalabas na ng bansa ang bagyo ay asahan pa rin ang kalat-kalat na paguulan Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Mindoro Provinces, Romblon at Palawan dala ng hanging habagat

Sa forecast ng Japan Meteorological Agency, isa pang sama ng panahon ang papasok sa Pilipinas sa weekend na may posibilidad na maging bagyo na tatama naman sa hilagang Luzon.

 

 

252

Related posts

Leave a Comment