(NI DANG SAMSON-GARCIA)
TINUKOY na ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang opisyal ng Bureau of Corrections na nakalagda sa release order ng mga sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa Chiong sisters.
Sinabi ni Lacson na isang correctional technical superintendent ang lumagda sa release order ng mga responsable sa rape-slay nina Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu noong 1997.
“Maria Fe Marquez, Parang Correctional Technical Superintendent, yan ang nagpirma. So dapat alamin natin,” saad ni Lacson.
Kinuwestyon din ni Lacson kung bakit ang opisyal ang nakalagda sa dokumento gayung ang director lamang ang may awtoridad na pumirma sa release order.
“Kung hindi siya authorized at talagang hindi siya authorized ibig sabihin nag-usurp siya ng authority ng prisons director. Kung siya naman ay inutusan na pirmahan mo yan, dapat i-certify niya yan,” diin ni Lacson. Kasabay ng pagsasabing posibleng kasuhan ang opisyal ng usurpation of authority.
“Otherwise, talagang glaring yan. Kasi hindi mismong prisons director ang nagpirma, isang tao na hindi authorized,” dagdag nito.
169