(NI ABBY MENDOZA)
GALIT at panlulumo ang nararamdaman ngayon ng kaanak ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe matapos payagan ng Legaspi Court ang pangunahing suspek na si dating Daraga mayor Carl Baldo na makapagpiyansa sa kasong murder.
Sa isang statement, sinabi ng anak ni Batocabe na si Atty Justin Batocabe na hindi nila inasahan ang ganitong desisyon lalo at matibay ang ebidensyang nagtuturo kay Baldo na may kinalaman sa pagpatay sa kanilang padre de pamilya.
“Pinaghalu-halong galit, panlulumo, at pagkagimbal ang nararamdaman ngayon ng aming pamilya sa kautusan ng Legazpi City RTC Regional Trial Court Branch 10 na palayain si Carl ‘Awin’ Baldo,”pahayag ng batang Batocabe.
Malinaw umano na non bailable ang kaso kaya nakapagtatakang papayagan ng isang hukom na makapagpiyansa ang isang akusado na siyang itinuturong mastermind.
“Nanawagan po ako sa ating hudikatura, ibalik ang tiwala ng tao sa hustisya. Huwag palayain si Baldo,” apela ni Justin.
Kinondena rin ng Ako Bicol Partylist ang kawalang hustisya sa kaso ng pinaslang na mambabatas.
“This ruling is not only an injustice to the memory of Cong. Rodel but is a chilling reminder that justice is difficult to obtain and that crime does pay.We have put our faith in the system, but such an unjust ruling deserves to be called out. We strongly disagree with the grant of bail and hope that the judge reconsiders her decision so that justice may ultimately prevail,” pahayag ni Ako Bicol Patlrtylist Rep. Alfredo Garbin.
p
159