BAGYONG ‘LIWAYWAY’ LUMAKAS; NAMATAAN SA CAMNORTE

BAGYONG USMAN-2

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAS lumakas pa ang bagyong ‘Liwayway’ na may international name ‘LingLing’ na isa na ngayong tropical storm, ayon sa Pagasa.

Magdadala ng mahina hanggang malakas na pag-ulan ang bagyong ito sa Bicol Region, Cagayan, kasama ang Babuyan Islands at Batanes.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal sa mga nabanggit na lugar.

Hindi naman inaasahang  tatama sa kalupaan ang bagyo.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 340 kilometro Silangan-HilagangSilangan ng Daet, Camarines Norte o 455 kilometro sa Silangan ng Baler, Aurora.

Aabot sa 65 kph ang lakas ng hangin na dala nito at bugsong papalo sa 80 kph.

Kumikilos ang bagyo  patungong HilagangKanluran na may bilis na 25kph.

Inaasahang lalabas na si ‘Liwayway’  sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes.

Samantala, magdadala naman ng pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ang Southwest monsoon (habagat).

Makararanas din ng pag-ulan sa Zambales, Bataan, Occ. Mindoro, Palawan at Western Visayas.

Magiging maalon naman ang  karagatan sa Luzon at Silangang Visayas kaya pinapayuhan ang mga maglalayag dito na delikado ang magbyahe.

Pinaalalahanan din ng Pagasa ang mga residente na nakatira sa mga landslide at flood prone area na magsagawa ng hakbang upang sila ay maging ligtas gayundin ang pakikipag-ugnayan sa local Disaster Risk Reduction and Management Office gayundin ang pagtutok sa weather updates.

147

Related posts

Leave a Comment