BASURA lang ang nire-recycle at hindi government officials.
Ito ang pahayag ni Albay Rep Edcel Lagman kasabay nang panawagan nito kay Bureau of Corrections (Bucor) Chief Nicanor Faeldon na magbitiw na sa pwesto.
Pinayuhan din niya si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang i-recycle pa o ilipat sa ibang ahensya si Faeldon.
“The colossal blunder committed by Faeldon clearly shows that damaged and wayward officials who have previously committed malfeasance, misfeasance and nonfeasance should not be recycled to other government positions where they could commit similar culpable acts akin to recidivism. The recycling of garbage for reusable purposes is welcome but the recycling of rubbish officials must not be tolerated,” giit ni Lagman.
Ani Lagman, ang ginawa ni Faeldon na pagpayag na mapalaya si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez at ang iba pang convicted murderers at drug lords ay malinaw na kapabayaan sa tungkulin.
May iregularidad nang nagawa si Faeldon habang pinamumunuan ang Bureau of Customs (BOC) kaya malinaw itong batayan na hindi sya akma na maging government officials.
Matatandaan na unang naitalaga si Faeldon bilang Bureau of Customs Commissioner kung saan nadawit ito sa P6.4 Billion smuggled shabu hanggang sa nailipat sa Office of Civil Defense bilang Deputy Administrator at ngayon ay Chief ng Bucor at muli nanamang nakakaladkad sa eskandalo.
Bukod sa agaran na umanong alisin sa pwesto si Faledon ay hindi din dapat hayaan ng pamahalaan na hindi mapanagot si Faeldon sa mga pagkakamaling nagawa nito.
“The reckless and illicit implementation of the GCTA by prison officials like Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon should not go unpunished,” ani Lagman.
Ipinanawagan din ni Lagman na ibalik sa kulungan ang mga pinalaya ni Faeldon at walang probisyon sa Konstitusyon na malalabag.
120