NO HOLIDAYS, NO WEEKENDS SA CUSTOMS-NAIA

BOC-NAIA-3

(Ni BOY ANACTA)

Walang tigil ang  pagbibigay ng serbisyo ng BOC-NAIA officers para sa lahat ng kanilang stakeholders sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng 24-oras, lalo na tuwing weekends.

Partikular sa mahigpit na binabantayan ay mga  hangganan ng BOC-NAIA para matiyak na hindi makalulusot ang mga posibleng pagpasok ng mga ilegal na kontrabando tulad ng ilegal na droga, armas, kontaminadong karne ng African Swine Fever (ASF) at iba pa.

Ang NAIA Customs officers ay 24/7 nagtatrabaho para tiyakin na lahat ng mga pasahero at bagahe ay ligtas at maayos sa kanilang pagbiyahe.

Mahigpit din na minomonitor at pinadadaan sa scanner para matiyak na walang laman ng ipinagbabawal na kontrabando na makalulusot sa nasabing paliparan na magiging dahilan ng pagkaabala ng mga pasahero.

Matatandaang noong Agosto 23, 2019 nasabat ng Customs-NAIA examiners na nakatalaga sa Pasay City ang rifle parts na idinekla­rang ‘buckle’  at ‘iron decoration’.

Ang   nasabat na kabuuang 20 rifle handguards at 6 handguard locks ay nakita sa loob ng package mula sa Shanghai, China.

Sa ilalim ng Sections 119, 1400 at 113 ng RA No. 10863 (Customs Mo­dernization and Tariff Act) at Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Act), ang import at export ng mga ba­ril, gun parts at mga bala nito na walang kaukulang dokumento mula sa gobyerno ay kinakailangang kumpiskahin pabor sa pamahalaan.

Dahil dito, patuloy ang  ginagawang  paghalughog at pagmo-monitor ng Customs NAIA sa mga warehouse  na nasa  kanilang nasasakupan.

265

Related posts

Leave a Comment