NAGLABAS ng warning ang Department of Foreign sa mga Pilipino sa Libya matapos ang suicide bomb attack sa Libyan Ministry of Foreign Affairs noong nakaraang linggo.
Inabisuhan ang mga Pinoy doon na maging mapagmatyag at iwasang lumabas ng bahay kasunod ng pag-atakeng magaganap kung saan tatlo ang namatay at pitong iba pa ang sugatan.
Sinabi ni Philippine Embassy Chargé d’Affaires Mardomel Melicor na tatlong suicide bombers ang sangkot sa pag-atake bandang alas-10:30 ng umaga (alas-4:30 ng hapon Manila time).
Mahigit 2,000 Pinoy at mga pamilya ng mga ito ang nasa Libyan capital na pinagsabihang iwasang lumabas o magtungo sa maraming tao na posibleng target ng mga terorista.
Tatlong Pinoy engineers at isang South Korean ang dinukot ng mga armadong lalaki sa isang water project site sa western Libya noong Hulyo 6 at hanggang ngayon ay hindi pa nababawi. Sa kabila ng apela ng Philippine government na lisanin na ang Libya dahil sa serye ng pambobomba at panggugulo ng mga terorista, marami pa rin ang nagpaiwan doon dahil wala naman umano silang trabahong naghihintay sa bansa.
123