SANGKOT SA GCTA SA BUCOR SIBAKIN LAHAT! –DU30

(NI HARVEY PEREZ)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na gugulong ang ulo ng lahat ng opisyal at personnel ng Bureau of Correction (BuCor) na mapatutunayang sangkot sa korupsiyon.

Kasunod nito, iniutos ni Duterte na pansamantalang mamuno sa BuCor, ang ‘next in rank’ ng mga  employees ng mga sinuspindeng prison official sa naganap na pagpapalaya ng mga convicts  ng heinous crime sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ay habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa mga lumutang na korupsiyon.

“Like the President said, our investigation is ongoing so that we will find out all types of corruption there, so that heads will be rolling other than the suspension made by the Ombudsman,” ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.

Una nang sinabi ni Duterte na aalisin niya ang lahat ng BuCor officials na masasangkot sa korupsiyon lalo na ang mga sangkot sa maagang pagpapalaya  ng mga bilanggo.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra,  na gusto niyang makuha muli ang kontrol sa BuCor matapos sumingaw ang korupsiyon.

Sinabi ni Guevarra na panahon na para rebisahin ang batas na ipinatupad kung bakit nawalan ng kontrol ang DOJ sa BuCor.

Nalaman na ang  Republic Act No. 10575, ang pinagbasehang batas kung kaya nawalan ng kontrol ang DOJ sa BuCor.

 

299

Related posts

Leave a Comment