WALANG KURYENTE

brownout121

(NI KEVIN COLLANTES)

INIANUNSIYO ng Manila Electric Co. (Meralco) na pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil sa maintenance works.

Batay sa inisyung paabiso ng Meralco, sinimulan ang maintenance works ngayong Linggo, Set. 15 at magtatagal hanggang sa Set. 21, Sabado.

Sinabi ng electric company na kabilang sa mga apektado nito ang Dagat-dagatan, Caloocan City (pagitan ng 9:00AM at 2:00PM ng Set. 7) dahil sa replacement at relocation ng concrete pole; a line reconductoring works sa Tanigue St. Sinilyasi St.; Makati at Taguig City (pagitan ng 11:00PM at 11:30PM ng Set. 16 at 4:30AM at 5:00AM ng Set. 17 at pagitan ng 11:00PM ng Set 16 at 5:00AM ng Set. 17) dahil sa replacement ng poles at line reconstruction works sa Kalayaan Ave. sa Bgy. West Rembo, Makati City.

Apektado rin ang Pasong Tamo, Quezon City (pagitan ng 9:00AM at 4:00PM ng Set. 18) dahil sa replacement of poles, line reconductoring works at reconstruction of facilities sa East Lane, Jem 2 Homes;  La Loma, Quezon (pagitan ng 8:30AM at 2:30PM ng Set. 19) dahil sa line reconductoring works sa Dr. Alejos at Don Manuel Agregado Sts. Sa Bgy. Salvacion, habang sa

Valenzuela City naman (pagitan ng 10:00PM ng Set. 17 at 5:00AM ng Set. 18) ay magkakaroon ng line reconductoring works at replacement of poles sa Fortune Drive, Fortune Village 5, Bgy. Paso De Blas at Parada.

Nabatid na maging ang Maragondon, Naic at Ternate, Cavite (pagitan ng 8:30AM at 9:00AM at pagitan ng 3:00PM at 3:30PM ng Set. 16) ay makararanas rin ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente dahil sa repair works sa loob ng Meralco – Puerto Azul substation.

Sa Laguna naman, nakaranas ng temporary power interruption sa mga bayan ng Liliw, Nagcarlan, Pila, San Pablo City at Sta. Cruz (pagitan ng 12:01AM at 1:00AM at pagitan ng 1:00PM at 2:00PM nitong Linggo, Set. 15) dahil sa repair works sa loob ng Meralco – San Pablo II substation, gayundin ang Los Baños, Laguna, (pagitan ng 8:00AM at 5:00PM ng Set. 17) ay mayroong NGCP repair works sa loob ng NGCP – Los Baños substation, at Calamba City (pagitan ng 9:00AM at 2:00PM ng Set. 19) dahil sa relocation of pole, line reconductoring works at installation ng karagdagang lightning protection devices sa Nuvali, Bgy. Canlubang.

Hindi rin naman nakaligtas ang Lucena City sa Quezon Province sa power interruption dahil apektado rin sila nito sa pagitan ng 2:00AM at 7:00AM ng Set. 20 dahil sa replacement of poles, line reconstruction works, line reconductoring works at installation of additional lightning protection devices sa Lucena Diversion Road, Bgy. Ibabang Dupay, habang ang Angono sa Rizal Province naman ay may nakatakdang replacement ng mga bulok na posteng kahoy, upgrading ng mga pasilidad at line reconductoring works sa Carebi Subd., Bgy. San Vicente, sa pagitan ng 10:00AM at 3:00PM sa Set. 21.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Meralco sa mga tahanang maaapektuhan ng kanilang maintenance works.

Ipinaliwanag nito na isinasagawa nila ang pagkukumpuni para sa pagpapahusay ng serbisyong ipinagkakaloob sa mga consumers.

 

399

Related posts

Leave a Comment