(NI ABBY MENDOZA)
PRAYORIDAD sa House of Representatives na na maisabatas ang panukala na amyenda sa Republic Act 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997 na naglalayong ibaba sa 56 anyos ang retirement age ng mga government employees sa halip na 60 anyos.
Ang panukala ay una nang inaprubahan sa House Committee on Government Enterprises and Privatization at sa susunod na Linggo ay isasalang sa House Plenary deliberations para sa ikalawang pagbasa.
Layunin ng panukala na maenjoy ng mga retiradong empleyado ang buhay kasama ang pamilya dahil sa mas pinaagang retirement age.
Kung ibababa sa 56 anyos ang retirement age ng mga kawani ng gobyerno ay magkakaroon din ng mas maraming employment opportunities sa mga nais na magtrabaho sa pamahalaan.
Hindi na rin kakailanganin na kumayod ng matagal ang mga empleyado ng pamahalaan para lamang ma-enjoy ang kanilang retirement benefits.
“This bodes well for the families of our retirees as well, as our retirees have more time to spend with their loved ones in relative comfort. Our retirees and their families will enjoy the fruits of decades’ worth of labor and will lessen the burden on the family’s spending,” paliwanag ni Ako Bicol Rep Alfredo Garbin,isa sa may akda ng panukala.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)