(NI NOEL ABUEL)
IPINANUKALA ng ilang senador ang pagtatayo ng mga state-of-the-art prison facility para paglagyan ng mga heinous crimes convicts upang masawata na ang iregularidad sa Bureau of Corrections (Bucor) na kinasasangkutan ng ilang opisyales nito at ng mga preso.
Nagkakaisa sina Senate President Vicente C. Sotto III, Senate Majority Leader Migz Zubiri, at Senador Richard Gordon at Ronald “Bato” dela Rosa na panahon nang mawalan ng ugnayan ang mga high-level offenders sa labas ng piitan.
“With the overwhelming revelations on the state of corruption in the Bureau of Corrections (BuCor), the appalling condition of our inmates and the poor quality of our prison facilities, there is no appropriate time to correct these, but now,” ani Sotto sa inihain nitong Senate Bill No. 1055.
“We must differentiate the system of rehabilitating the hopeless from the hopeful. Ihiwalay ang mga bulok na mangga sa mga bagong pitas,” dagdag pa ni Sotto.
Paliwanag nito, mahalaga na maihiwalay ang mga high profile criminals sa mga may mga simpleng kaso na maaari pang makapagbagong buhay.
“In light of the legislative inquiry and investigations, we now know that our system does not work. “Hardened criminals should not be in a position to further aggravate the ones who still have hope in their hearts to be productive members of society,” ani Sotto.
Kasama sa panukala ang pagtatayo ng ‘heinous crimes facilities’ sa Luzon, Visayas at Mindanao, na hindi kalayuan sa kampo ng militar o sa isa na malayo sa kapatagan.
“Prison location and the soundness of the facility in terms of infrastructure or security protocols greatly affect the government’s ability to incapacitate as well as to rehabilitate prisoners,” ayon pa kay Sotto.
143