(NI BERNARD TAGUINOD)
BILANG pagkilala sa paghubog sa mga kabtaan, isinusulong ngayon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyan ng HMO o Health Maintenance Organization (HMO) ang mga public school teachers.
Sa ilalim ng House Bill (HB) 4857 o ‘Lingkod Kalusugan Para sa mga Guro’, na inakda ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, nais nito na magkaroon ng health libreng health card ang mga public school teachers upang matulungan ang mga ito sa pangangalaga sa kanilang kalusugan.
“Teaching is considered as the mother of all professions. Without it, there will be no lawyers, doctors, engineers, accountant and other prominent profressions,” ani Alvarado kaya dapat lang alagaan ang mga ito ng estado.
Maliban dito, layon ng nasabing panukala hindi magastusan ng husto ang public shool teacher kapag nagpapacheck-up o kaya nagpapagamot ang mga ito sa kanilang karamdaman.
Sa ngayon aniya ay masyadong maliit ang sahod ng mga public school teachers para sa kanilang pamilya at kung dito pa kukunin ang kanilang pagpapagamot sa kanilang karamdaman ay kawawa umano ang mga ito.
“Their indispensible effort in educating the youth should be compensated not just by giving them monetary remuneration but also providing them with the best care possible,” ayon pa sa kongresista.
Dahil dito, hiniling ng kongresista sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na ipasa ang nasabing panukala dahil mapakahalaga na mapangalagaan ang kalusugan ng mga public school teachers para sa mga kabataan.
232