LACSON KAY ALBAYALDE: NINJA COPS SIBAKIN!

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL)

HINAMON ni Senador Panfilo Lacson si Philippine National Police (PNP) chief Police Director Oscar Albayalde na patunayan na wala itong kinalaman sa ginawa ng tinaguriang 13 ninja cops na sangkot sa pagre-recylce ng ipinagbabawal na gamot.

“Ang pinakamagandang pruweba para maipakita niyang talagang hindi niya pinoprotektahan sina Baloyo, madaliin niya bago siya mag-retire. Madaliin niya ang pag-review ng kaso at pag-reinvestigate at bigyan ng karampatang parusa ang katulad sa binigay ng parusa sa original decision na dismissal at may criminal case na dapat harapin na talagang hinaharap nila,” pahayag ni Lacson.

Giit pa nito na sa itinatakbo ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay posibleng tumagal pa ang imbestigasyon sa kontrobersiya at hindi malayong may maungkat pa ang mga senador na ikagugulat ng lahat.

Payo pa ng senador kay Maj. Rodney Baloyo, na nanguna sa drug operasyon sa Mexico, Pampanga noong 2013, na ikinulong sa New Bilibid Prison(NBP) dahil sa pagsisinungaling sa Senado, na magsabi na ng katotohanan upang matapos na ang imbestigasyon sa kaso at masagip ang imahe ng PNP..

“Parang walang katapusan ang investigation ni Sen. Gordon. Mabuti na rin ‘yan at na-extend at nagkaroon ng ibang kaso. Dugtong naman. Kasi unang-una gusto nga liwanagin ng committee at ni Gen. Magalong, hindi naman siya nagprisenta. Pinatawag siya ng chair ng committee dahil sa usapan ng recycling, ang direction nanggagaling sa loob. That is another issue altogether, different matter altogether. Nakakulong ka na nga, ikaw pa nagmamando at nagbebenta. Talagang only in the Philippines,” ani Lacson.

Samantala, sinabi pa nito na sapat pa rin umano para kay Albayalde ang 34-araw bago ang takdang pagreretiro para amiyendahan ang naunang desisyon na demotion lamang sa halip na dismissal from the service ang dapat na ipataw na parusa sa nasabing mga 13 ninja cops.

“Ang remaining 34 days, is not too long to make amends. Ang unang dapat ipakita niya para mawala ang duda na ang kaso nina Baloyo ay meron siyang kinalaman sa pagtakip man lang, dapat kung pwedeng itong remaining 30-plus days ipakita niyang mabilis maresolba ang reinvestigation na sinasagawa,” sabi pa ni Lacson.

“Tutal wala nang masyadong ebidensyang kailangan doon naroon lahat na dokumento. Madaling i-decide kung nagsinungaling ba si Baloyo at totoo bang 10 a.m. at hindi 4 p.m. ang operation? Totoo bang ang mga SUVs ginawa ng deed of sale sa kanila? Totoo bang may perang nakuha roon? Totoo bang 200 kilos ang shabu? Nariyan na lahat na dokumento, re-review-hin na lang eh,” pagtatanong pa nito.

 

201

Related posts

Leave a Comment