PINOY GYMNAST, SWAK SA TOKYO OLYMPICS

SWAK si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo sa 2020 Tokyo Olympics.

Kabilang si Yulo sa 12 atletang nakakuha ng spot sa Olympic Games sa pamamagitan ng resulta ng kanilang paglahok sa ginaganap na 49th Artistic Gymnastics World Championships in Stuttgart, Germany.

Ang 19-anyos na si Yulo ay tumapos na pang-16 sa individual all-around qualification, para maging ikalawang Filipinong atletang nakahablot ng pwesto para sa Tokyo Games.

Tumapos din ang 4’11” Pinoy na pampito sa floor exercise at 19th sa all-around performances para makapasok sa finals.

Una nang nakakuha ng Olympic berth si pole vaulter EJ Obiena, nang magtala ito ng 5.81 meters sa isang Olympic qualifying event noong Setyembre 4 sa Chiara, Italy.

Ang iba pang gymnasts na nakakuha ng spot sa Tokyo Olympics ay kinabibilangan nina Manrique Larduet (Cuba), Ludovico Edalli (Italy), Milad Karimi (Kazakhstan), Loris Frasca (France), Robert Tvorogal (Lithuania), Alexander Shatilov (Israel), Ferhat Arican (Turkey), Artur Davtyan (Armenia), David Huddleston (Bulgaria), Bart Deurloo (Netherlands) at Daniel Corral (Mexico).

292

Related posts

Leave a Comment