PALAY NG MAGSASAKA SINIMULAN NANG BILHIN NG NFA         

(NI PAOLO SANTOS)

PARA maabot ang target na suplay na bigas sa bansa sinimulan ng National Food Authority ( NFA) na bilhin ang mga inaning palay ng mga local farmers sa buong bansa upang matugunan ang target na 14.6 million bag na bigas ngayong 2019.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, noon pang isang buwan sinimulang bilhin ng ahensiya ang mga inaning palay ng mga local farmers.

Sinabi pa nito na noong Setyembre lamang ay nakabili na ang  NFA ng 621,430 bags ng  palay na karamihan ay mula sa mga magsasaka ng Western Visayas at ilang lugar sa Luzon.

Naniniwala si Dansal na naabot na ang 46 percent na target ngayon taon subalit umaasa pa rin ito na maabot ang target na 100 percent.

Ang NFA’s buying price ng palay ay umaabot  na ngayon sa P19 per kilo mula sa dating P17.00 per kilo  para sa malinis at tuyong palay. Bumibili rin ang NFA ng hanggang may 30 percent na basa na palay gayundin ang mga palay na  may lower classification.

Sa ngayon, ang NFA ay nagsasagawa ng training para sa grains classifiers at special disbursing officers para sa pagbili ng  palay.

Kumpiyansa ang NFA na maaabot nito ang target na suplay na bigas ngayong taon.

 

420

Related posts

Leave a Comment