(NI MAC CABREROS)
NAPUTOL ang limang buwan na bawas singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) dahil makararanas ng bahagyang pagtataas ngayong Oktubre.
Ayon Meralco, madaragdagan ng P0.0448 kada kilowatthour ang bill ng kanilang kostumer o P9 sa kumukonsumo ng 200kWh kada buwan.
Bagama’t ganito, binanggit ng Meralco na tinatamasa pa rin ng kanilang customer ang P1.47 kada kWh na bawas sa bill na ipinatupad sa nagdaang limang buwan.
Tinukoy ng Meralco na umakyat sa P9.0862 kada kWh ang rate ngayong buwan kumpara sa P9.0414 noong Setyembre.
Bunsod ito ng pagsirit sa P P4.5406 kada kWh o dagdag na P0.0215 kada kWh ang generatin charge na naiposte sa P4.5406 kada kWh noong nakaraang buwan.
“The increase is due to a smaller Net Settlement Surplus (NSS) refund for October from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM). WESM charges decreased by P0.5290 per kWh driven by an improved power supply situation in the Luzon grid as there were fewer power plants on outage during the supply month,” pahayag Meralco.
Nabatid na nasa 17 porsyento ng supply ng Meralco ay kinukuha sa WESM.
Binanggit pa Meralco na nakadagdag sa pagtaas sa bill ang P0.0249 kada kWh na transmission charge.
Idinagdag ng Meralco na nakatulong para mabawasan ng P0.1412 kada kWh ang presyo ng mga Independent Power Producers ang paglakas ng piso sa palitan sa dolyar.
287